Hinaing sa Madaling-Araw

Alas-dos singkwenta ng umaga,
Habang nahihimbing ang mga madaling makatulog…
Nakikiniig ang makata sa pintakasing umaawit na walang himig,
Dinadamang muli ang isa’t isa…
matapos ang halos sampung taong pagwawalay…
Ngayon, sa isang araw na puno ng kadiliman,
Naghahaplosan  ang pintakasi at ang makata…
Nais lumikha ng isang sanggol na sasalamin sa buhay.
Heto na, unti-unting papasok ang makata sa sinapupunan ng pintakasi,
Ipupunla ang matagal na kimkim na init ng plumang matagal na natinggal.
Hayan na, pintakasing naghihintay sa kanyang makata,
tanggapin mo siya ng buung-buo…
Upang buung-buo rin siyang makatuloy at mabigyang buhay…
ang mga mumunting sanggol ng isipan.
Advertisements